Tuesday, May 6, 2008

The Jologz Ten Commandments for Concert Viewing


1) Tawagan ang isang kaibigan na alam mong naiiyak at can’t afford manood, naiiyak at naubusan ng ticket, kaibigang gusto mong inggitin o di kaya walang tiwala na can afford ka, clueless sa pangyari. Tawagan mo siya at iparinig ang concert. Saka mo patayin ang cellphone. Do this six times to six different friends.

2) Magdala ng napakalaking placard o di kaya tarpaulin ng “Manilyn R Fan’s Club, La Union West Chapter.” Bakit walang nagdadala ng mga placard ng “Christian Bautista, Muslim Ako. Magtago Ka Na!” o di kaya “Gabby Concepcion, Maliit Pa Rin ang Titi Mo Kahit Nag-Vegas Ka”

3) Ilabas ang cellphone at ilagay sa harap ko nang makunan si Piolo 100 meters away. Kahit ano pa iyan hindi iyan papanoorin. May dala ring lighter kahit hindi nagsisigarilyo o di kaya kandila at posporo.

4) Hanapin ang pinakamalapit na videocam, isigaw sa mike, “Ang galing-galing ni Sam. Promise” sabay tili.

5) Huwag pumalakpak kasi nakakahiya. O di kaya feeling mayabang: Kasimbaho din natin ang utot niya. E ano? Sarah Geronimo naman siya kahit umutot.

6) Pumalakpak sa gitna ng “Rachmaninoff No. 5” ni Cecile Licad kasi nagpause.

7) Naghihintay sa gilid ng stage para ialay ang sampaguita kay Sitti. Bakit si Sampaguita noong kasikatan niya ay iba ang binigigay? Damo?

8) Hintayin ang packed lunch at kaunting pera sa concert ni Mikey Arroyo. O sa ibang concert noong eleksyon.

9) Manood ng concert ng mga laos na American and British acts at umiyak. Feeling.

10) Ipa-autograph ang CD na nabili sa Quiapo.

No comments: